Print Version    Email to Friend
Kayamanan gamitin para sa kaharian ng Diyos

Hindi masama na mangarap para maging mayaman at magkapera. Karamihan sa mga OFW ay nag-sakripisyong umalis sa kanilang bayan, para sa kanilang mga mahal sa buhay para magkapera. Naisip ko tuloy ano ba ang mahalaga sa kanila? Pamilya o pera? 







Print Version    Email to Friend
Pinag-isa ng Diyos

Meron ka bang kabinet na puno ng mga souvenirs sa kasal na iyong dinaluhan? Noong ako ay umuwi sa amin ay inutusan ko ang aking pamangkin na linisin ang kabinet ng mga souvenirs na naipon sa napakaraming kasalang dinaluhan ng aming pamil-ya. Pabiro kong sinambit na itapon na yaong mga galing sa mag-asawang ngayon ay hiwalay na. Nang sundin nga ng mga bata ay kapansin-pansin ang kabawasan ng laman ng kabinet. Pangiti ngunit seryosong tumama sa akin ang katotohanan na dumarami nga ang kaso ng mga mag-asawang naghihiwalay.







Print Version    Email to Friend
Alay sa Diyos

Sa ating pagbasa sa Linggong ito ipinakita ni Hesus na kung tayo ay sa kanya gagawa tayo ng mga bagay na magbigay kapurihan sa ating Panginoon. Ang mga alagad ni Hesus ay nagsumbong sa kanya tungkol sa isang tao na nagpalayas ng demonyo. Ang taong ito ay hindi nila kasama. Pero ang taong ito ay naniwala at sumunod kay Hesus. Ang pag-iisip ng mga alagad ay masyadong “exclusivo”, ‘pag hindi nila kasama dapat hindi gagawa ng mga bagay na para lamang sa kanila.