Print Version    Email to Friend
Panganib sa pamilya

Kay ganda at ang saya pagmasdan ang nagkakaisang pamilyang namamasyal ng sabay. Dinala si bunso sa Disney, o nag-enjoy ang buong pamilya sa Ocean Park. Kung kakayanin lang ng budget, pangarap ng bawat magulang na madala ang anak na mag-tour sa ibang bansa.







Print Version    Email to Friend
Damdamin ng Pasko

Malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawat damdamin,” sabi ng isang paboritong himig Pasko. Ilang araw na lang at Pasko na. At kung wala kang nararamdamang pagkakaiba, siguro kung hindi ka bato, sawa ka na sa Pasko. Pero sino ba namang Kristiyano na maayos ang takbo ng ulo ang magsasawa sa Pasko? Ang mga palamuti at awiting pamasko ay nagpapasaya. Happy ang iba sa dami ng Christmas party at may masuwerteng makakauwi upang makasama ang pamilya. Meron ding malungkot na mag-iisang malayo sa mahal nila, o dahil sa dami ng trabaho at problema.







Print Version    Email to Friend
Adbyento: panahon 
ng paghahanda

Kilala tayong mga Pilipino sa ating pagiging hospitable.  Ang salitang “tuloy po kayo” ay tila bagang pangkaraniwan na sa atin.  Hindi natin pinipili ang mga taong ating tinatanggap sa ating tahanan.  Para sa atin, ang isang taong kumakatok sa ating pintuan ay marapat lamang na patuluyin.  Ano pa kaya kung ang magiging panauhin natin ay isang pamoso o mahalagang tao.  Lalo pa sigurong tayo ay maghahanda.  Maglilinis tayo






Print Version    Email to Friend
Halina Hesus Halina

Ang Halina, Hesus, Halina, ay maituturing na isa sa pinaka malimit na inaawit kapag sumasapit ang Panahon ng Adbyento. Ito ay sinulat at nilapatan ng himno nina Father Rene Javellana, SJ at ni Father Eddie Hontiveros, SJ. “Halina Hesus, Halina, sa simula isinaloob Mo, O Diyos, Kaligtasan ng Tao; sa takdang panahon ay tinawag Mo, isang bayang lingkod sa iyo. Darating muli sa takdang araw, upang tanang tao'y tawagin. At sa puso Mo, aming Ama'y bigkisin, sa pag-ibig na di mamaliw.







Print Version    Email to Friend
Sumalangit nawa: ang buhay sa langit kapiling ng Diyos

Sumalangit nawa” o “sumalangit nawa  ang kanyang kaluluwa.”  Isang katagang laging sumusunod kapag binabanggit natin ang pangalan ng isang namatay na.  Bahagi na ito ng ating pananampalataya na ang mga namatay na nanalig sa Panginoon ay kapiling niya sa kabilang buhay.  Hindi nga ba at sa tuwing sasapit ang ikadalawa ng Nobyembre (sa Pilipinas ay sa unang araw ng Nobyembre) ay  inaala natin ang ating mga namatay at tinatawag natin itong Araw ng mga Kaluluwa o Undas.  Parang pinagtugma







Print Version    Email to Friend
Ang bidang kontrabida

T

ema ng ebanghelyo nitong nakaraang mga Linggo ang tungkol sa panalangin. Una, huwag tayong makalimot magpasalamat sa ating pananalangin. Ikalawa, huwag tayong manghihina at magsasawa sa pagdarasal; at la-
ging magporsige sa ating pagdulog sa Diyos. Ngayong Linggo ang leksyon naman ay kababaang-loob sa pagdarasal. 







Print Version    Email to Friend
Makulit na pananampalataya

Ang mga bata nga naman, ang gagaling, lalo na kung may hihingin.  Tulad ng nasaksihan ko: Isang araw may magkumareng nagkwekwentuhan sa kalsada.  Di naglaon, dumating ang batang anak ng isa na ang wika sa ina, “Nanay, pahingi ng pera!”  Hindi ito pinansin ng kanyang ina na patuloy sa pagkwento sa kumare.  Ang bata naman ay di umalis, at paulit-ulit na sinasabi, “Nay, pahinging pera.!”  Di pa rin
pumapansin ang ina.  At patuloy n







Print Version    Email to Friend
Lakas ng pananampalataya

 Ilang taon na ang nakalilipas ay nagkaroon ng lindol sa isang maliit na baryo. Bagamat walang namatay o nasugatan,  ang naninirahan doon ay lubhang natakot at nabahala. Ang nakapagtataka ay may isang matandang babae na iginagalang ng lahat  sa nasabing baryo na kampante lamang na hinarap ang pangyayari. Ang isa pang nakapagtataka ay tila napangiti pa ito sa nangyari.







Print Version    Email to Friend
Magtiwala’y di biro

Ang buhay nga naman . .